Lunes, Enero 14, 2013

Ang Aming Pook!!!

Lungsod ng Quezon











Ang Lungsod Quezon (Ingles: Quezon City, pinaikling QC) o Lungsod ng Quezon ay dating kabisera at ang pinakamataong lungsod sa Pilipinas. Matatagpuan sa pulo ng Luzon, isa ang Lungsod Quezon sa mga lungsod atmunisipalidad na binubuo ng Kalakhang Maynila, ang Pambansang Punong Rehiyon. Ipinangalan ang lungsod kay Manuel L. Quezon, ang dating pangulo ng Komonwelt ng Pilipinasna siya rin nagtatag ng lungsod at isinulong upang palitan ang Maynila bilang kabisera ng bansa.
Hindi ito matatagpuan at hindi rin dapat ipagkamali ang lungsod na ito sa lalawigan ng Quezon, na ipinangalan din sa dating pangulo.
Bilang dating kapital, maraming opisina ng pamahalaan ang matatagpuan dito, kabilang ang Batasang Pambansa, ang upuan ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas, na siyang mababang kapulungan sa Kongreso ng Pilipinas. Matatagpuan din dito ang pangunahing kampus ng Unibersidad ng Pilipinas at ng Mataas na Paaralang Pang-Agham ng Pilipinas sa Diliman. Paki-tingnan rin ang RSHS-NCR.
Makikita rin sa Lungsod Quezon ang maraming malalawak na liwasan, nakahilerang puno sa mga daan, at maraming mga pook pang-komersyo na popular sa mga mamimili sa buong kalakhan. Karamihang binubuo ng mga residensyal na bahagi at maliit lamang ang mga lugar pang-industriya sa malaking siyudad na ito.

Topograpiya

Ang siyudad ay nakapwesto sa itaas ng Talampas ng Guadalupe na isang medyo mataas na talampas sa hilagang-silangang bahagi ng siyudad - sa pagitan ng mga mababang lupain ng Maynila sa timog-kanluran at sa Lambak ng Marikina sa silangan. Sa katimugag bahagi matatagpuan ang makitid na Ilog San Juan at ang mga tributaryo nito sa Ilog Pasig, habang sa hilaga naman ng siyudad matatagpuan ang makitid ring Tullahan River.
Ang Lungsod Quezon ay hinahangganan ng Lungsod ng Maynila sa timog-kanluran, mga Lungsod ng Kalookan at Valenzuela sa kanluran at hilagang-kanluran. Sa timog naman ay ang mga Lungsod ng San Juan at Mandaluyong. Samantala, mga Lungsod ng Marikina at Pasig ang humahanggan sa Lungsod Quezon sa timog-silangan. Sa hilaga naman, sa kabila ng Ilog Marilao ay ang Lungsod ng San Jose del Monte sa probinsya ng Bulacan at sa silangan ay ang mga bayan ng Rodriguez at San Mateo, parehong nasa probinsya ng Rizal.
Nahahati ang siyudad sa ilang mga pook. Ang katimugang bahagi ng siyudad ay nahahati sa Diliman, Commonwealth, ang mga Project, Cubao, Kamias, Kamuning, New Manila, San Francisco del Monte, at Santa Mesa Heights. Ang hilagang bahagi ng siyudad ay ang Fairview at Lagro, ngunit kadalasan ay tinatawag itong Novaliches. Karamhian sa mga pook na ito ay walang nakatukoy na hangganan at sa kalikasan ay residensyal.




1 komento:

  1. The best casinos 2021 | Dr.MCD
    › casinos › 광주 출장안마 casinos › jackpot-winning 파주 출장샵 › casinos › jackpot-winning Jackpot King Casino Online | Play 속초 출장샵 with 목포 출장마사지 $10 FREE on Slots | Top Jackpots and No Deposit Required. 광주 출장안마

    TumugonBurahin